Pages

Tuesday, March 18, 2014

Kamusta na Kaya si Apple Ann? Si Apple Ann at Ang Kanyang Malaking Nunal.

Katatapos noon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa mga kapatid natin sa Samar, Tacloban at Leyte. Habang nagbrobrowse ako ng mga kaganapan sa Facebook tungkol sa bagyong Yolanda, naagaw ng isang babaeng ang pangalan ay Apple Ann ang aking atensiyon. She was pretty and sexy and all but the very reason why she caught my attention is her WALA-SA-LUGAR-NA-PAGSOSOLICIT-NG-VOTE-FOR-HER-TO-WIN-MISS-ARCHITECTURE. (Yung mga delata na nasa picture ay donation para sa mga nasalanta ng bagyo. Sinulatan nila ng words of encouragement/wisdom/love and everything para maramdaman ng mga kababayan nila na may nagmamahal sa kanila.)

''helo guys kasali po ako sa MS. ARCHITECTURE PKLIKE NMN PO NUNG PICTURE KO.eto po yung link salamat ng marami Godbless"

Sa gitna ng kaguluhang nagaganap, mga batang nawalan ng magulang, mga magulang na nawalan ng anak, mga pamilyang nawalan ng bahay at mga kapatid nating nawalan ng buhay naisip pa talaga niyang mangampanya for a beauty pageant. How selfish. Though hindi naman talaga masamang mangarap maging MISS ARCHITECTURE. Ang point ko lang may tamang panahon, lugar at pagkakataon para manglap ng suporta.

Tapos kanina bigla ko na lang siyang naalala. Kaya napagdesisyunan kong tignan yung fanpage niya kung nanalo siya and whatnot. Walang direct update but I can only assume na natalo siya sa mga kadahilanang:

1. May mga picture siya nung pageant, siya ang contestant number 8. Though swerte ang numerong ito sa mga Chinese wala siyang picture na may korona or trophy siyang hawak.

2. Walang nag ko-congratulate sa kanya basta ang mga comment lang dun ang ganda ganda mo and everything. Pawang pampalakas loob.

3. Wala siyang status na: Congratulations to me! I am now the reigning Miss Architecture! BWAHAHAHHAHAHAHAHAH

Pero base din sa mga nabasa ko, siya ang nanalo sa online voting, sa most number of likes sa FB. At least nagbunga ang kanyang paghihirap. From the bottom of my heart, seriously...im happy for her.

Bwahahahahahaha


Sunday, March 16, 2014

Isang Pangyayaring Maaaring Nag-uugat sa Kahihiyan

May isang bakanteng room sa building namin na itago na lang natin sa pangalan na clinic. nakatunganga siya at never pang nakakaranas makakita ng nurse at ahenteng may sakit/nagsasakit-sakitan. Kapag masama ang pakiramdam tatawag sila sa life line. May involve na ambulansya, stretcher, tatlong pirasong nurse na may dala dalang maraming medical equiptment and I swear to God na pag sinabi kong marami, MARAMI talaga- meron nga ata silang dalang equiptment para sa pagperform ng brain surgery. Ganun ka OA. Ito na yung kwento. Dahil sa medyo chumachubby ako at medyo nagkakaedad na rin may mga pagkakataon na nakakaramdam na ng kung anu anong sakit sa katawan. Sumakit ang batok at ako ay nahilo. Nadiagnose agad ng mga katrabaho ko na high blood ako kahit hindi naman sila nakapagtapos ng kursong medisina. Pero pinilit kong maging OK. Pinilit kong isipin na guni-guni lang ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ako nagpunta sa clinic dahil wala naman kaming ganun pero hindi ko rin inavail yung privilege na binibigay ng kumpanyang may pagka OA. Narito ang mga dahilan kung bakit hindi ko ipinatawag yung life line ek ek na iyan:
Una.
Bilang isang Pilipino na lumaki sa panood ng mga panggabing teleserye, natutunan kong hanggat kaya pa kailangang tiisin ang hirap at pasakit. Si Judy Ann Santos nga halos gabi gabing sinasampal pero hindi nagrereklamo, kunting sakit lang ng batok magpapatalo na ako? We are recognized as a nation of people with high level of resiliency and headache will never bring us down ika nga.
Pangalawa.
Pag tinawag ang life line, sa mismong lobby ka nila i checheck. Kukunan ng blood pressure, i checheck ang vitals habang may stretcher na nakaabang sa yo sakaling kailangan mo nang isugod sa pinakamalapit na hospital. Sa lobby. Daanan ng mga ahente. Nagiging ugat ito ng mga malisyosong tsismis. Tulad na lang ng kwento ni...Itago na lang natin siya sa pangalang Beyonce. Natsismis na buntis dahil may nakakita sa kanyang inaalalayan ng tatlong pirasong nars. Tapos si... Itago na lang natin siya sa pangalang Maximo na diumano’y nalaglag sa hagdan doon sa fire exit dahil nag seselfie para lang may maipost sa facebook kaya nagpatawag ng life line. See? Sino ang gustong maitsismis sa buong production floor?
Pangatlo.
Maraming judgemental sa industriyang ginagalawan ko. One time ipinatawag yung trio tagapagligtas kasi may nahilong agent. Na curious ako kaya nakisali na rin ako sa mga miron sa lobby. Nagbubulugan yung tatlong babae tapos pinagtatawanan nila yung nahilong ahente.
Babae 1: Ang taba taba kasi
Babae 2: Baka gutom na?
Babae 3: kumakain lang yan kanina sa pantry ah!
Babae 2: Baka nasobrahan?
Babae 1: Kadiri!
Babae 2 and Babae 3: Bakit kadiri?
Babae: Wala lang.
Babae 1, Babae 2 and Babae 3: Bwahehehehehehehehh
Panghuli.
What if mali ka sa inakala mo at wala ka pa lang sakit? Ang hirap sigurong marinig sa kanila after nilang magdala ng ambulansiya at mga medical equipment ang diagnosis nila ay gutom ka lang or kulang sa tulog. Ano ang mukhang ihaharap mo sa mga tao pagbalik mo sa production floor at nalaman nilang wala ka namang sakit?
Concerned agent: Ano daw nangyari sa iyo? Binigyan ka ba ng gamot? Kamusta ka na? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?
Agent na nagpalifeline: Gutom lang daw pinayuhan akong kumain kahit skyflakes lang.
Concerned agent: gago ka pala eh! Ang daming nag aalala sa ‘yo tapos gutom ka lang pala! Magsama sama ka! (sabay walk out, hindi ka man lang nakapagsorry bwahahahahha)
Ayokong mainvolve sa mga ganyang eksena. Kaya tiniis ko na lang. Natapos naman ang shift ko. Okay naman ako. Malamang gutom lang. heheheheh
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...