Tuesday, July 29, 2014

Callcenter Chronicles: Ang Pagtupad sa Isang Pangarap na Bituin ( Medyo OA ang Title)

Hayskul ako nung pinangarap kong magkaroon ng sariling libro. Naalala ko pa yung mga epic fail na projects na akala ko dati ay sobrang ganda na pero hindi naman. I don't know what to say. Naiiyak ako ngayon sa sobrang kaligayahan. Matutupad ko na ang isa sa mga pinakamimithi kong pangarap...


 
Speechless. Di ko alam ang sasabihin. Sa mga followers ko. Bente kayong lahat. Ngayon pa lang hinihingi ko na ang inyong Isandaang porsiyentong pagsuporta! Ayos!

Saturday, June 28, 2014

How I Met Gladys Reyes IRL



Gladys Reyes-Sommereux with me and my fat body heheheh
Nung hayskul nirequire kami ng guro namin sa Filipino na mag acting acting sa harap ng klase. Gumawa ako ng script na parang Mara Clara ang datingan at nagkataon na dalawang babae lang ang napunta sa grupo ko. Kaya sakto may Mara at Clara na ako... Dahil sa hindi kamukha ni Mama Mary si Glenda Munar (kung makapagkwento ako parang kilala niyo si Glenda Munar)siya ang ginawa kong kontrabida ala Clara. So nagpraktis na kami. Tapos action na. Tapos nakalimutan niya yung line niya. Tapos tawa lang siya ng tawa sa harap. Tapos nagalit yung teacher namin sa kadahilanang hindi talaga maawat sa pagtawa si Glenda Munar.

Filipino Teacher: May nakakatawa ba Glenda?

Glenda Munar: Wala po sir (answering while trying not to laugh but her attempt was clearly unsuccessful)

Filipino Teacher: Eh bakit ka nga tumatawa?

Glenda Munar: Hindi po sir (tawa pa rin ng tawa)

Filipino Teacher: Guni-guni ko lang na tumatawa ka ganun?!

Glenda Munar: BWAHAHAHAHHAHA

Filipino Teacher: Tigilan mo yang kakatawa mo diyan sasabunutan kita palabas ng klase! Hindi ka na nakakatuwa!

Glenda Munar: (napatigil na rin sa pagtawa)

(Mga 30 seconds na katahimikan)

Buong klase: (nakatitig sa paiyak nang si Glenda Munar) Sorry po.

Batang 90’s ako at nabuhay ako sa panahong mababangis ang mga kontrabida sa teleserye. Kaya epic fail nung pinagaya ko si Gladys Reyes kay Glenda Munar...Sayang pareho pa naman sila ng hairstyle nung mga panahong iyon. Bakit ikinukwneto ko yan? Kasi gustong gusto kong kontrabida si Gladys Reyes. Yun bang akala mo kung sino siyang matangkad kapag dinadamba niya yung medyo chubby pang Judy Ann Santos... Remember those momemts? Last June 24th I had the chance to meet her in person dahil nainvite kaming manood ng presscon niya for the 25th season ng MOMents sa Liberty Steak house sa may UP Town Center Katipunan Avenue . Take note manonood lang ako. Pero pagdating namin doon pina-upo kami (ako at si Lloydie) sa hilera ng iba pang taga press at maya maya pa’y inaabot na sa akin ang mic para magtanong. So I asked her kung paano yung naging transition ng career niya as kontrabida to a talkshow host at ano yung greatest challenge.

“Masungit talaga yung mukha ko at hindi ako pang bida kaya nung bata pa ako hindi na ako nagpilit pang maging bida bida.”

“Mukha bang naaapi yan? Eh mukha naman talagang kontrabida yan!” Pasigaw na side comment ni Lolit Solis na manager niya.

“Yun na nga, sabi ng manager ko si Nanay Lolit hindi talaga sweet yung mukha ko so ginawa niya akong kontrabida. Tapos nung nagkaanak na ako, nagkataon na may finoformulate na show ang Net25 na talk show about mommies, parenting and all at sobra akong thankful na ako ang napili nila kahit nga kontrabida yung image ko”

Kung nakakaasar siya sa TV kabaligtaran sa personal. She is very nice and accommodating, hindi mo mararamdaman na out of place ka. When I first heard about her talkshow na MOMents way back 2009 my reaction was like this: So sinasabunutan ba niya yung mga guest niya? Or kapag hindi niya nagustuhan yung sagot sa tanong niya nananampal siya? Kapag hindi siya natuwa sa kausap niya nagtatanim ba siya ng bomba sa kotse nila at sasabog ito sa oras na pinaandar na nila ito?Pero wala naming ganyang eksena. When I had the chance to watch some episodes of MOMents narealize ko na very effective din pala si Gladys Reyes as a host. I enjoyed watching it especially yung episode niya na ang guest ay sina Juday at Ryan. Hindi naman din siguro magtatagal yung show niya kung hindi siya maayos na host, nagstart ang MOMents November 2007. May isang nagtanong kung sinu-sino pa ang gusto niyang maging guest sa show niya ang at ito ang nasa listahan niya: Manny ang Jinky Pacquiao, Anak ni Senator Angara, Aling Dionisia, Nonito Donaire at Miley Cyrus...joke lang yung Miley Cyrus...Naisip ko lang bahahahah

After ng presscon may mga pabaon pa sa amin na giveaways from Gibi Shows. The generic pharmacy and some MOMents memorabilias. I also had the chance to take MOMents of Kodakan with my kontrabida Idol, Nanay Lolit and Ogie Diaz. Nakakatuwa.

For updates sa show, i like niyo na lang sa FB yung fanpage ng MOMents: https://www.facebook.com/momentsgprsommereux?ref=stream
Gladys shared that this year mas magiging active sila at visible online... and I hope makapag-organize sila ng mini presscon for us bloggers. Kapag nagkita kami ulit isasuggest ko talaga yan and magpapakilala na rin ako ng mas maayos kasi JOVO ang tawag niya sa akin...hehehe... Lakas maka close friend? Pag nagkita naman kami ni Glenda Munar ipapakita ko sa kanya yung picture namin ni Gladys at ipapaalala ko sa kanya yung epic fail naming duladulaan sa Filipino inspired by Mara Clara. Isasuggest ko rin sa kanya na baka mas effective siya as host kesa kontrabida.
level up



 






libreng pakain heheh

 


sugar rush!

Tuesday, May 20, 2014

May Dalawang Babae Akong Gustong Pag-untugin ng Matauhan Sila sa Katotohanang Wala Silang Karapatang Makisalamuha sa Ibang Tao Dito sa Mundong Ibabaw

Title pa lang alam mo nang may galit at poot na namanag nakapailalim sa blog post na ito. Like my blog is slowly turning into a hate blog... which I don't really mind.
Nitong nakaraang araw may dalawang babae na napadaan sa buhay ko na gusto kong kalmutin sa mukha at lagyan ng glitters sa mata.

Babae sa Bus.


So there was this girl roughly around 30 or 31 years old na nakasabay ko sa bus on my way to work. Pagsakay ko ng bus sa may Estrella wala pang bakanteng upuan kaya nakatayo ako sa gitna wishing that somebody with a good heart would notice me and politely give the seat that I truly deserve. Wala namang ganung naganap. Pero I felt so lucky kasi maraming nagbabaan sa may Ayala station. Na ispatan ko agad yung bakanteng upuan na katabi ng babaeng hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha hanggang sa libingan. Mukha siyang masayahing babae, nakagupit Dora the explorer na may malaking dalawang front teeth at may malaking nunal sa may ilalim  kaliwang mata. I think yung nunal niya ay sinlaki lang ng utak niya. So sumiksik ako papasok sa bakanteng upuan sa tabi niya. Tumayo pa siya kunti bitbit ang bag niya to give way. Tapos ng makaupo ako ay umupo na rin siya sa tabi ko. Naramdaman ko na lang na parang may malagkit at madulas akong naapakan. Bigla niyang sinabi sa akin: May suka diyan.  That time gusto ko siyang saktan. Seriously. Pero pinigilan ko ang sarili ko at sinabihan ko na lang siya ng: Hindi mo man lang sinabi sa akin agad. Sinagot naman niya agad ako ng: Kaya nga sinasabi ko na sa yo di ba?
Umalis na lang ako bago pa magdilim ang paningin ko at lumipat sa isa pang bakanteng upuan sa may likuran niya. Hindi ko maiwasang magmura dahil sa inis. "Tang inang babae yan ang bobobo! hindi man lang sinabi na may suka doon ang bobo talaga" wala na akong pakialam that time kahit marinig pa niya. Yung lalaking katabi ko tingin ng tingin sa akin dahil halos 10 minutes akong bumubulong bulong ng mura sa babaeng pahamak na iyon. Huminto ang bus sa may Evangelista ang I was surprised kasama pala nung lalakeng katabi ko yung babaeng sinasabihan ko ng bobo tanga puta and all. Tumingin siya sa akin ng masama bago bumaba ng bus. I think mag-asawa sila. Bwahahahahaahaha

Babae sa Food court.

While eating grilled chicken, pasta and mashed potato by world chicken located at SM Megamall foodcourt...eto yung kinain ko (commercial break)


Bigla na lang ngumawa yung babae sa kabilang table. May Kausap siya sa cellphone at talagang umiiyak siya. Hikbi. Like literally crying out loud on a sea of strangers. She just received one of the worst phonecall she ever had on her entire life. Kung makapagkwento ako akala mo alam ko kung ano yung issue niya sa buhay ano? But just basing it from her reactions naisip ko na tinawagan siya to inform that someone close to her just passed away. Again assumption ko lang iyon. Pero ang tindi talaga ng iyak niya at parang naninikip pa yung dibdib niya. Kamukha pa naman siya nung kaklase ko nung hayskul na si Nikki Tomboc. So dirediretso siya sa pag iyak...then here comes this old lady wearing fake silver earings na walang habas na naglagay mga pinagkainan/basura sa table nung babaeng umiiyak para maclear lang yung table na pagkakainan nila. Tinignan lang siya nung babaeng tuloy pa rin sa pag iyak na in return ay tinignan niya ng wala man lang halong pagtataka/awa like poker face talaga. Itinuloy nung babae ang kanyang pag iyak tapos bumalik sa table niya yung old bitch para ilagay na naman yung mga paper cups na gamit na...Sobrang bastos talaga. Kung ano ang ikinalaki ng earings niya yun ang ikinaliit ng utak niya. I dont know...nabastusan lang talaga ako sa ginawa niya.
Yun lang...Pag nakita niyo sila kalmutin niyo agad sa mukha. Pakiprint na lang yang mga chartographic sketch nila at pakipaskil sa mga poste, bus and everything. Okay? Bwahahahahah

Wednesday, May 7, 2014

Like A Skyscraper: Isang Makabagbag Damdaming Kadramahan na Wala sa Lugar

I'm planning to start something new (update ko kayo after few months) at dahil na rin sa payo ng mga tao sa opisina namin namely Tetay, Ellen andJuly...names na tunog hindi mapagkakatiwalaan...biro lang...para daw maging successful ako kelangan kong magkaroon ng positibong pananaw sa buhay so I have to let go of those grudges that I am holding against my enemies namely...wag na pala ikakasikat lang nila...So i decided na pansamantala muna silang tantanan..like pansamantala lang...Babangon ako at dudurugin ko sila...siyet parang gago lang.

Commercial Break:
Maglalagay ako ang ng page sa blog ko and I will name it JOBO art...Ganito ang mga ipaglalalagay ko:



Para kunwari artist ako. Huwaw! I can't think of better way to end this shit other than posting my cover of the song skyscraper by demi lovato...Dahil feeling ko talaga sobrang naagrabyado ako...Hahahaha kahiya hiya man pero papangatawanan ko na...


Thursday, May 1, 2014

Vikings, PBB at Himutok sa Appraisal All In

Isang paraiso para sa katulad kong matakaw mahilig kumain ang nagkukubli sa loob ng megamall: Vikings Luxury Buffet. 700+ ang gastos kasali na ang service charge pero sobrang sulit talaga. Lahat ng drinks tinikman ko hanggang sa distilled water nila na may bulaklak sa loob hindi ko pinatawad. just don't know kung bakit may bulaklak sa loob. Pag nagawi kayo doon wag na wag niyong imimiss ang boneless lechon nila na hindi masyadong mamantika gaya ng normal na lechon pero I think it is equally deadly. Hanapin niyo din at itry ang lechon kawali kare kare nila na napakalinamnam. pero wag masyadong magpakabusog dahil tiyak maeenjoy niyo din ang kanilang mga dessert. Masarap yung avocado ice cream. Naka tatlong scoop ako hindi pa kasali diyan yung hinalo ko sa rootbeer in an attempt to create my own rootbeer float which turned out to be really really good. OA lang.
 


 
 
 
Marami pa akong nilamon nikain na hindi ko na piniktyuran baka isipin niyo na sobrang siba ko.
 
 
Wala naman akong ipinaglalaban pero isisingit ko na rin yung isyu ko sa PBB all in. Pero bago yan ito muna yung mga napiling housemate ni kuya:


 
O di ba? Ang kikinis at ang puputi na para bang star magic batch 18 sila. But of course medyo hinaluan nila ng hindi naman ganun kagandahan...im referring to the 4th girl on the first line but im not saying na pangit siya pero kumbaga siya yung tipikal na tao/pinay na pwede mong makasalubong sa Guadalupe tulay. Pero hindi pa rin niya nirerepresent talaga yung tipikal na pinay kasi kapag dinala mo yan sa opisina naming lilitaw at lilitaw pa rin ang ganda niya kasi maraming pangit sa opisina naming at ayaw ko na silang pangalanan pa. So ang ending parang nagfranchise na tayo ng America's Next Top Model Boys Vs Girls. Parang mas okay yung season one. sina nene? Remember? Hindi masyadong ginamit sa judging ang hitsura para makapasok sa bahay ni kuya. But again hindi ko sinasabing hindi magagandang tao yung mga nasa season 1. On the other hand naiintindihan ko rin kung bakit mga ganyan ang kinuha nila as housemate. Like its less disgusting if you see one of them na nangungulangot. Pero sana lang dinagdagan nila ng medyo kontrabida na galling sa call center...probably a supervisor na tatawaging: Ang Plastik na Bisor ng _________________
 
Medyo sinisipag akong magsulat ngayon kaya isisingit ko na rin ang ilang personal na kaganapan sa office. Halos lahat ay maligaya sa opisina dahil sa increase nila because of their wonderful contribution sa company. Isa ako sa mga hindi nabiyayaan ng increase. Its really sad kasi nag expect ako and I know hindi ako kulelat but for some reason..."behavioral issue" kaya ako hindi naambunan ng grasya. So ngayon ako ay ... NGANGA!
 

Thursday, April 17, 2014

Unang Putok: Book Review

akala mo talaga magaling ako at may book review book review pa akong nalalaman. Pero pangatawanan na.

Ilang buwan ding naghanap ako ng kopya ng Unang Putok. Ubos ang copy sa SM Batangas. Tapos naubos yung sweldo ko. Tapos sumweldo ulit nagpunta naman ako sa market market wala daw ganun sabi nung babaeng may makapal na foundation at nakaroyal blue na eyeshadow. tapos naubos ulit sa pagkain ang pera ko...at dumating nga ulit yung sweldo ko so nakabili naman ako sa MegaMall fortunately. So eto na nga...

Nakakatuwa yung libro. Parang kaibigan lang na nagkukwento sa iyo ng mga pangyayaring may kinalaman sa kung anu anong kababawan. Pero may aral din naman. What I love most about the book is the honesty on how each story has been written/presented. Umi-english din dapat. Potah. Gusto ko din yung mga illustrations ni Mots pero sana sa susunod na maglalabas ng libro si  Wickedmouth ako naman ang kunin niyang illustrator:












feelingero lang di ba? hehehe Pero ang rating ko sa librong ito ay 4.5 out of 5. Nakakaaliw siyang basahin, no doubt. Matatawa ka kahit matindi ang pinagdadaanan mong problema (gaya ko na may matinding pinagdadaanan sa opisina. Ikaw ba naman ang hindi bigyan ng salary appraisal just because of diumano'y fucking"behavior issue"! as if you can quantify kabaitan ng isang tao.Nakikilo ba nag engangement? Meron bang 30 centimeters of respect? Meron bang 67 pieces of leadership? at meron bang 48 degrees obedience?) So balik sa libro, bakit 4.5 lang at hindi 5? Let's just say may attitude problem talaga ako. heheheh Seriously. Nirereserve ko yung score na 5 sa Pangalawang Putok!

Tuesday, March 18, 2014

Kamusta na Kaya si Apple Ann? Si Apple Ann at Ang Kanyang Malaking Nunal.

Katatapos noon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa mga kapatid natin sa Samar, Tacloban at Leyte. Habang nagbrobrowse ako ng mga kaganapan sa Facebook tungkol sa bagyong Yolanda, naagaw ng isang babaeng ang pangalan ay Apple Ann ang aking atensiyon. She was pretty and sexy and all but the very reason why she caught my attention is her WALA-SA-LUGAR-NA-PAGSOSOLICIT-NG-VOTE-FOR-HER-TO-WIN-MISS-ARCHITECTURE. (Yung mga delata na nasa picture ay donation para sa mga nasalanta ng bagyo. Sinulatan nila ng words of encouragement/wisdom/love and everything para maramdaman ng mga kababayan nila na may nagmamahal sa kanila.)

''helo guys kasali po ako sa MS. ARCHITECTURE PKLIKE NMN PO NUNG PICTURE KO.eto po yung link salamat ng marami Godbless"

Sa gitna ng kaguluhang nagaganap, mga batang nawalan ng magulang, mga magulang na nawalan ng anak, mga pamilyang nawalan ng bahay at mga kapatid nating nawalan ng buhay naisip pa talaga niyang mangampanya for a beauty pageant. How selfish. Though hindi naman talaga masamang mangarap maging MISS ARCHITECTURE. Ang point ko lang may tamang panahon, lugar at pagkakataon para manglap ng suporta.

Tapos kanina bigla ko na lang siyang naalala. Kaya napagdesisyunan kong tignan yung fanpage niya kung nanalo siya and whatnot. Walang direct update but I can only assume na natalo siya sa mga kadahilanang:

1. May mga picture siya nung pageant, siya ang contestant number 8. Though swerte ang numerong ito sa mga Chinese wala siyang picture na may korona or trophy siyang hawak.

2. Walang nag ko-congratulate sa kanya basta ang mga comment lang dun ang ganda ganda mo and everything. Pawang pampalakas loob.

3. Wala siyang status na: Congratulations to me! I am now the reigning Miss Architecture! BWAHAHAHHAHAHAHAHAH

Pero base din sa mga nabasa ko, siya ang nanalo sa online voting, sa most number of likes sa FB. At least nagbunga ang kanyang paghihirap. From the bottom of my heart, seriously...im happy for her.

Bwahahahahahaha


Sunday, March 16, 2014

Isang Pangyayaring Maaaring Nag-uugat sa Kahihiyan

May isang bakanteng room sa building namin na itago na lang natin sa pangalan na clinic. nakatunganga siya at never pang nakakaranas makakita ng nurse at ahenteng may sakit/nagsasakit-sakitan. Kapag masama ang pakiramdam tatawag sila sa life line. May involve na ambulansya, stretcher, tatlong pirasong nurse na may dala dalang maraming medical equiptment and I swear to God na pag sinabi kong marami, MARAMI talaga- meron nga ata silang dalang equiptment para sa pagperform ng brain surgery. Ganun ka OA. Ito na yung kwento. Dahil sa medyo chumachubby ako at medyo nagkakaedad na rin may mga pagkakataon na nakakaramdam na ng kung anu anong sakit sa katawan. Sumakit ang batok at ako ay nahilo. Nadiagnose agad ng mga katrabaho ko na high blood ako kahit hindi naman sila nakapagtapos ng kursong medisina. Pero pinilit kong maging OK. Pinilit kong isipin na guni-guni lang ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ako nagpunta sa clinic dahil wala naman kaming ganun pero hindi ko rin inavail yung privilege na binibigay ng kumpanyang may pagka OA. Narito ang mga dahilan kung bakit hindi ko ipinatawag yung life line ek ek na iyan:
Una.
Bilang isang Pilipino na lumaki sa panood ng mga panggabing teleserye, natutunan kong hanggat kaya pa kailangang tiisin ang hirap at pasakit. Si Judy Ann Santos nga halos gabi gabing sinasampal pero hindi nagrereklamo, kunting sakit lang ng batok magpapatalo na ako? We are recognized as a nation of people with high level of resiliency and headache will never bring us down ika nga.
Pangalawa.
Pag tinawag ang life line, sa mismong lobby ka nila i checheck. Kukunan ng blood pressure, i checheck ang vitals habang may stretcher na nakaabang sa yo sakaling kailangan mo nang isugod sa pinakamalapit na hospital. Sa lobby. Daanan ng mga ahente. Nagiging ugat ito ng mga malisyosong tsismis. Tulad na lang ng kwento ni...Itago na lang natin siya sa pangalang Beyonce. Natsismis na buntis dahil may nakakita sa kanyang inaalalayan ng tatlong pirasong nars. Tapos si... Itago na lang natin siya sa pangalang Maximo na diumano’y nalaglag sa hagdan doon sa fire exit dahil nag seselfie para lang may maipost sa facebook kaya nagpatawag ng life line. See? Sino ang gustong maitsismis sa buong production floor?
Pangatlo.
Maraming judgemental sa industriyang ginagalawan ko. One time ipinatawag yung trio tagapagligtas kasi may nahilong agent. Na curious ako kaya nakisali na rin ako sa mga miron sa lobby. Nagbubulugan yung tatlong babae tapos pinagtatawanan nila yung nahilong ahente.
Babae 1: Ang taba taba kasi
Babae 2: Baka gutom na?
Babae 3: kumakain lang yan kanina sa pantry ah!
Babae 2: Baka nasobrahan?
Babae 1: Kadiri!
Babae 2 and Babae 3: Bakit kadiri?
Babae: Wala lang.
Babae 1, Babae 2 and Babae 3: Bwahehehehehehehehh
Panghuli.
What if mali ka sa inakala mo at wala ka pa lang sakit? Ang hirap sigurong marinig sa kanila after nilang magdala ng ambulansiya at mga medical equipment ang diagnosis nila ay gutom ka lang or kulang sa tulog. Ano ang mukhang ihaharap mo sa mga tao pagbalik mo sa production floor at nalaman nilang wala ka namang sakit?
Concerned agent: Ano daw nangyari sa iyo? Binigyan ka ba ng gamot? Kamusta ka na? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?
Agent na nagpalifeline: Gutom lang daw pinayuhan akong kumain kahit skyflakes lang.
Concerned agent: gago ka pala eh! Ang daming nag aalala sa ‘yo tapos gutom ka lang pala! Magsama sama ka! (sabay walk out, hindi ka man lang nakapagsorry bwahahahahha)
Ayokong mainvolve sa mga ganyang eksena. Kaya tiniis ko na lang. Natapos naman ang shift ko. Okay naman ako. Malamang gutom lang. heheheheh
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...