Tuesday, May 20, 2014

May Dalawang Babae Akong Gustong Pag-untugin ng Matauhan Sila sa Katotohanang Wala Silang Karapatang Makisalamuha sa Ibang Tao Dito sa Mundong Ibabaw

Title pa lang alam mo nang may galit at poot na namanag nakapailalim sa blog post na ito. Like my blog is slowly turning into a hate blog... which I don't really mind.
Nitong nakaraang araw may dalawang babae na napadaan sa buhay ko na gusto kong kalmutin sa mukha at lagyan ng glitters sa mata.

Babae sa Bus.


So there was this girl roughly around 30 or 31 years old na nakasabay ko sa bus on my way to work. Pagsakay ko ng bus sa may Estrella wala pang bakanteng upuan kaya nakatayo ako sa gitna wishing that somebody with a good heart would notice me and politely give the seat that I truly deserve. Wala namang ganung naganap. Pero I felt so lucky kasi maraming nagbabaan sa may Ayala station. Na ispatan ko agad yung bakanteng upuan na katabi ng babaeng hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha hanggang sa libingan. Mukha siyang masayahing babae, nakagupit Dora the explorer na may malaking dalawang front teeth at may malaking nunal sa may ilalim  kaliwang mata. I think yung nunal niya ay sinlaki lang ng utak niya. So sumiksik ako papasok sa bakanteng upuan sa tabi niya. Tumayo pa siya kunti bitbit ang bag niya to give way. Tapos ng makaupo ako ay umupo na rin siya sa tabi ko. Naramdaman ko na lang na parang may malagkit at madulas akong naapakan. Bigla niyang sinabi sa akin: May suka diyan.  That time gusto ko siyang saktan. Seriously. Pero pinigilan ko ang sarili ko at sinabihan ko na lang siya ng: Hindi mo man lang sinabi sa akin agad. Sinagot naman niya agad ako ng: Kaya nga sinasabi ko na sa yo di ba?
Umalis na lang ako bago pa magdilim ang paningin ko at lumipat sa isa pang bakanteng upuan sa may likuran niya. Hindi ko maiwasang magmura dahil sa inis. "Tang inang babae yan ang bobobo! hindi man lang sinabi na may suka doon ang bobo talaga" wala na akong pakialam that time kahit marinig pa niya. Yung lalaking katabi ko tingin ng tingin sa akin dahil halos 10 minutes akong bumubulong bulong ng mura sa babaeng pahamak na iyon. Huminto ang bus sa may Evangelista ang I was surprised kasama pala nung lalakeng katabi ko yung babaeng sinasabihan ko ng bobo tanga puta and all. Tumingin siya sa akin ng masama bago bumaba ng bus. I think mag-asawa sila. Bwahahahahaahaha

Babae sa Food court.

While eating grilled chicken, pasta and mashed potato by world chicken located at SM Megamall foodcourt...eto yung kinain ko (commercial break)


Bigla na lang ngumawa yung babae sa kabilang table. May Kausap siya sa cellphone at talagang umiiyak siya. Hikbi. Like literally crying out loud on a sea of strangers. She just received one of the worst phonecall she ever had on her entire life. Kung makapagkwento ako akala mo alam ko kung ano yung issue niya sa buhay ano? But just basing it from her reactions naisip ko na tinawagan siya to inform that someone close to her just passed away. Again assumption ko lang iyon. Pero ang tindi talaga ng iyak niya at parang naninikip pa yung dibdib niya. Kamukha pa naman siya nung kaklase ko nung hayskul na si Nikki Tomboc. So dirediretso siya sa pag iyak...then here comes this old lady wearing fake silver earings na walang habas na naglagay mga pinagkainan/basura sa table nung babaeng umiiyak para maclear lang yung table na pagkakainan nila. Tinignan lang siya nung babaeng tuloy pa rin sa pag iyak na in return ay tinignan niya ng wala man lang halong pagtataka/awa like poker face talaga. Itinuloy nung babae ang kanyang pag iyak tapos bumalik sa table niya yung old bitch para ilagay na naman yung mga paper cups na gamit na...Sobrang bastos talaga. Kung ano ang ikinalaki ng earings niya yun ang ikinaliit ng utak niya. I dont know...nabastusan lang talaga ako sa ginawa niya.
Yun lang...Pag nakita niyo sila kalmutin niyo agad sa mukha. Pakiprint na lang yang mga chartographic sketch nila at pakipaskil sa mga poste, bus and everything. Okay? Bwahahahahah

15 comments:

  1. whew! title kung title...

    Title pa lang, hiningal na ako.. charlot! ndi ko pa nabasa.. ntuwa kasi ako sa title mo.. haha*_*

    ReplyDelete
  2. hahaha yan nabsa ko na... ang gross nung suka, buti ndi sa upuan noh? at buti na lang at ndi ka jinumbag nung jowa nung chakaness na babaitang un hahaha.. naku sa sketch mo pa lang kasumpa sumpa na hahaha..parang ang sarap ihampas sa mukha nya ung toilet bowl na punong puno ng tae.. pramis hahaha love it... hay naku nahawa na ata ako ng kanegahan mo hahaha char!

    ReplyDelete
  3. Sari- saring tao talaga ang makakasalamuha mo. Minsan good day, minsan very bad. Sensya na lang. Pero may karapatan kang mag-rant. I will do the same.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos may nakakaintindi sa akin heheheh

      Delete
  4. Sana tinapunan mo ng suka ung sa bus at binato mo ng paper cups at basura yung sa food court. Ambabastus ng mga pota!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto kong gawin pero hindi ko magawa...don't know why hahahah

      Delete
  5. Ano ba? Baka may pinaghuhugutan ang mga bitter sentiments na yan? hehehehe!

    As for the first hag bitch, mukhang hindi rin alerto ang brain. Patawaran mo na kung hindi siya quick-thinker para bigyan ka ng paala-ala.

    As for the second hag bitch, mukhang medyo deprived siya. Kulang siguro sa utak niya ng mga neurons na nageemit ng emotions at empathy. Patawaran mo na at kulang-kulang din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pinaghuhugutan ng bitterness...?...hmmm madami heheheheh halata ba masyado?

      Delete
  6. Haha inisketch wanted n ang mga chaka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag nakasalubong niyo sila...alam na ang gagawin hehehehe

      Delete
  7. wow may sketch pa talaga ehehe....

    ReplyDelete
  8. Aliw na aliw ako sa artist sketch! Ang galing :)

    Ang mga tao nga naman, minsan insensitive! Mga manhid! Sana inapak mo kay ate sa bus yung sapatos mo ng naka bawi ka. Ay joke lang, masama gumanti :)

    ReplyDelete

makisawsaw na...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...