Thursday, April 17, 2014

Unang Putok: Book Review

akala mo talaga magaling ako at may book review book review pa akong nalalaman. Pero pangatawanan na.

Ilang buwan ding naghanap ako ng kopya ng Unang Putok. Ubos ang copy sa SM Batangas. Tapos naubos yung sweldo ko. Tapos sumweldo ulit nagpunta naman ako sa market market wala daw ganun sabi nung babaeng may makapal na foundation at nakaroyal blue na eyeshadow. tapos naubos ulit sa pagkain ang pera ko...at dumating nga ulit yung sweldo ko so nakabili naman ako sa MegaMall fortunately. So eto na nga...

Nakakatuwa yung libro. Parang kaibigan lang na nagkukwento sa iyo ng mga pangyayaring may kinalaman sa kung anu anong kababawan. Pero may aral din naman. What I love most about the book is the honesty on how each story has been written/presented. Umi-english din dapat. Potah. Gusto ko din yung mga illustrations ni Mots pero sana sa susunod na maglalabas ng libro si  Wickedmouth ako naman ang kunin niyang illustrator:












feelingero lang di ba? hehehe Pero ang rating ko sa librong ito ay 4.5 out of 5. Nakakaaliw siyang basahin, no doubt. Matatawa ka kahit matindi ang pinagdadaanan mong problema (gaya ko na may matinding pinagdadaanan sa opisina. Ikaw ba naman ang hindi bigyan ng salary appraisal just because of diumano'y fucking"behavior issue"! as if you can quantify kabaitan ng isang tao.Nakikilo ba nag engangement? Meron bang 30 centimeters of respect? Meron bang 67 pieces of leadership? at meron bang 48 degrees obedience?) So balik sa libro, bakit 4.5 lang at hindi 5? Let's just say may attitude problem talaga ako. heheheh Seriously. Nirereserve ko yung score na 5 sa Pangalawang Putok!

28 comments:

  1. Dropping by to thank you for visiting my blog. Grabe ang talent mo sa drawing. Kahanga.
    Di ko pa nabasa libro kasi nong nasa Pinas ako, wala don sa National bookstore na pinuntahan ko.
    Nice knowing you;)

    ReplyDelete
  2. thank you din po sa pagdalaw at sa pag appreciate sa dorwing ko ...dorwing talaga heheheh

    ReplyDelete
  3. gondoh ng blog... salamat nga pala sa pag comment ^,^

    follow kita... =)


    Dream ko rin yang wickedmouth ni glentot kaso hindi ako makabili. Nasa Venus kasi ako ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you...ipabili mo na lang kay princess sarah kapag nadaan siya sa NBS heheheh

      Delete
    2. Poorita na si Princess Sarah.. tsaka hindi na siya Princess ngaun, Alipin na lang siya ni Miss Minchin.. Charooot!

      Delete
  4. Uy ngapala, galing mo mag drawing ^,^ nice... Gratz ahhh.. cge, idol na kita. ganun.

    ReplyDelete
  5. Ahoy, thanks po sa pagdalaw at pagfollow sa aking munting tambayan.

    Kainggit kayong may mga copy na ng Wickedmouth >_< until now, di pa ako nakakabili. I know it's a good book based sa mga book reviews ng mga fellow bloggers ko at nitong sa iyo na rin.

    At... mahusay ka rin palang mangguguhit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks din sa pagbisita...hehehehe naku bili ka na rin nakakatawa yung libro

      Delete
  6. A lot of bloggers raved about Unang Putok. what makes it more interesting is that the author is a significant member of the bloggers community to which i proudly belong, hehehe! Hindi ko pa rin siya na meet, but it would be nice to see him in person, pati din yung ibang bloggers na kaibigan niya na naging online friends ko din.

    Umasa nga noon ako na ibibili ako ng best friend ko ng isang kopya niyan noong umuwi siya sa Pilipinas, pero ayun, nganga. hehehe!

    Salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko. It's nice to know more bloggers and more people who are addicted to books. I am ever more convinced that the reading culture and community of (geeky) bibliophiles are growing.

    Seriously, ang ganda ng mga designs mo. Fine arts major ka ba o uber creative at artistic ka lang? I like them. Who knows baka magkaroon kayo ng isang collaboration project.

    Anyway, kudos to books at kahit papaano natutulungan ka na ma over come ang mga stress sa trabaho. Ano ba nangyari? Ano yong salary appraisal? Apektado ang salary ng worker if you're not kissing their asses enough? Are we being thrown back to the early years of the industrial revolution, where employers were masters and we're all fucked-up underpaid minions? Anak ng pusa, hindi naman beauty pageant ang working place natin ah.... Ewan. I think that is total bullshit. A real violation of rights of workers.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang hindi ka niya naibilhan ng friend mo, ako nga nahirapan din sa paghahanap..siguro dapat dagdagan pa nila yung mga copies sa ibang branch ng NBS para makabili yung iba....about sa background ko sa arts self learned "artist" ako (i really love calling myself artist" bwahahahahahah bata pa lang ako mahilig na akong magdrawing...lagi akong sumasali sa mga poster making ek ek dati at lagi namang natatalo so medyo hindi ko na naiyuloy...ngayon na lang ulit ako nagdradrawing drawing panlaban sa stress na dala ng trabaho. Yung sa appraisal namin...yeah dissapointed, lalo na in terms of numbers alam mo where you stand. Yun bang alam mo na kung sa numbers/scores lang may mga tinalo ka...pero behavior is part of employee performance daw so hindi ko naman maidispute yun...bahala na...feeling ko naman may mangyayaring maganda kaya ako sinusubok ngayon hheheheh thanks sa pagdalaW!

      Delete
  7. Hi Jobs or ermm joboligist? the Customer Service Representative sa gabi, Frustrated Artist sa umaga.. natutulog ka ba pale? lols Your artwork are great dude..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha nakakatulog pa naman kahit papano...salamat!

      Delete
  8. Galing mo naman mag drawing! Clap clap! Bilib ako, walang halong biro. Ganda ng details :)

    Pwedeng pwede ka na ngang illustrator, kontratahin mo na si Glen para sa next book nya :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nahihiya ako...nahihiya pa talaga sa lagay na yan ibinuyangyang ang portfolio btw thank you

      Delete
  9. wow nice naman ng artwork mo!!! oo ayos talaga ang librong unang putok ni glen, kahit ako naputukan!! hahahah!

    ReplyDelete
  10. Amazeballs ang drawings! Grabe ang details ng patterns!
    Yan yung mga tipo na ilalagay mo sa art galleries! Superb!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana magdilang anghel ka hehehehe thank you

      Delete
  11. astig ng drawing, dude :)

    https://www.lavinajampit.blogspot.com

    ReplyDelete
  12. Nakakamangha ang detalye ng mga illustrations. Puwede na ngang gawing isang libro, hahanap ka na lang ng isang author. When I was in Manila, ubos na yung mga copies then pagbalik ko dito, mayroon na raw ulit sa bookstore, really!?!?

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat! medyo nahirapan din ako sa paghahanap ng book pero sulit naman!

      Delete
  13. Salamat sa review at sa pagshowcase ng iyong portfolio! I suggest you frame your work na. I have some artist friends na nagexhibit last time sa Art in the Park sa Makati, and I think may mga susunod pang exhibits, and I really think your work deserves to be seen by the local art collectors. Makakabenta ka for sure :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku salamat din sa words of encouragement heheheh

      Delete
  14. i benta na ang artwork.. wala pa kong libro ng unang putok wala sa dubai.. ��

    ReplyDelete

makisawsaw na...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...