Thursday, May 1, 2014

Vikings, PBB at Himutok sa Appraisal All In

Isang paraiso para sa katulad kong matakaw mahilig kumain ang nagkukubli sa loob ng megamall: Vikings Luxury Buffet. 700+ ang gastos kasali na ang service charge pero sobrang sulit talaga. Lahat ng drinks tinikman ko hanggang sa distilled water nila na may bulaklak sa loob hindi ko pinatawad. just don't know kung bakit may bulaklak sa loob. Pag nagawi kayo doon wag na wag niyong imimiss ang boneless lechon nila na hindi masyadong mamantika gaya ng normal na lechon pero I think it is equally deadly. Hanapin niyo din at itry ang lechon kawali kare kare nila na napakalinamnam. pero wag masyadong magpakabusog dahil tiyak maeenjoy niyo din ang kanilang mga dessert. Masarap yung avocado ice cream. Naka tatlong scoop ako hindi pa kasali diyan yung hinalo ko sa rootbeer in an attempt to create my own rootbeer float which turned out to be really really good. OA lang.
 


 
 
 
Marami pa akong nilamon nikain na hindi ko na piniktyuran baka isipin niyo na sobrang siba ko.
 
 
Wala naman akong ipinaglalaban pero isisingit ko na rin yung isyu ko sa PBB all in. Pero bago yan ito muna yung mga napiling housemate ni kuya:


 
O di ba? Ang kikinis at ang puputi na para bang star magic batch 18 sila. But of course medyo hinaluan nila ng hindi naman ganun kagandahan...im referring to the 4th girl on the first line but im not saying na pangit siya pero kumbaga siya yung tipikal na tao/pinay na pwede mong makasalubong sa Guadalupe tulay. Pero hindi pa rin niya nirerepresent talaga yung tipikal na pinay kasi kapag dinala mo yan sa opisina naming lilitaw at lilitaw pa rin ang ganda niya kasi maraming pangit sa opisina naming at ayaw ko na silang pangalanan pa. So ang ending parang nagfranchise na tayo ng America's Next Top Model Boys Vs Girls. Parang mas okay yung season one. sina nene? Remember? Hindi masyadong ginamit sa judging ang hitsura para makapasok sa bahay ni kuya. But again hindi ko sinasabing hindi magagandang tao yung mga nasa season 1. On the other hand naiintindihan ko rin kung bakit mga ganyan ang kinuha nila as housemate. Like its less disgusting if you see one of them na nangungulangot. Pero sana lang dinagdagan nila ng medyo kontrabida na galling sa call center...probably a supervisor na tatawaging: Ang Plastik na Bisor ng _________________
 
Medyo sinisipag akong magsulat ngayon kaya isisingit ko na rin ang ilang personal na kaganapan sa office. Halos lahat ay maligaya sa opisina dahil sa increase nila because of their wonderful contribution sa company. Isa ako sa mga hindi nabiyayaan ng increase. Its really sad kasi nag expect ako and I know hindi ako kulelat but for some reason..."behavioral issue" kaya ako hindi naambunan ng grasya. So ngayon ako ay ... NGANGA!
 

22 comments:

  1. dude, ok lang maging NGANGA basta pasakan mo ng food ang bibig mo... bongga un..

    but anyhow inihaw, pansin kosa PBB ngaun, scripted. Tama nga ung mga bali balita na mejo manipulated daw from the start... Yung mga common tao na nag audition daw na mga chakaness hindi pinalad lahat puro mga goodlooking daw, buti na lang ndi ako nag audition, kundi, shoot na shoot ako sa banga... chozzz

    and lastly, di ka naman mxado bitter sa sup mo? sampalin mo ng Hermes bag ni jinky pakyaw ng mawalan ng ulirat... charr charr

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahah natawa ako sa comment mo lalo na sa pagiging bitter ko...ako bitter? OO naman!

      Delete
  2. Isang beses lang akong nanood ng BB, hindi pa diyan. Ok sa faces para may audience pero tama ka, dapat may halimaw looking or kontra bida para masaya. Daming kain sa Vikings ha. Punta ako sa July, sa dessert lang ako, he,he,he.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag kakalimutang magpareserve para hindi ka nakanganga sa labas naghihintay ng matatapos kumain heheheheh

      Delete
    2. Salamat sa payo, hahanap muna ako ng mga kasama, he,he!

      Delete
  3. Ang sarap ng foods. Gusto ko rin masubukan yang avocado ice cream. yum!

    Speaking of PBB, hindi pa ako gaano nanunood... kakasimula pa lang kase. Hintayin ko muna magkaroon ng mga issues ang mga HMs saka ako manunood para exciting lol

    Well, parang pre-audition na rin to stardom ang ginawa ng ABS sa PBB... ung puro may itsura ang kinuha nilang HMs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ...sinabi mo pa...di ba social experiment dapat ang pbb? parang star circle quest na ang ginawa heheheh

      Delete
  4. I just had a random peek or stare in your entry. I will be back to read more of your entries. I just made my presence felt. Thank you for adding me up. Did the same too.

    ReplyDelete
  5. Sobrang natatawa ako sayo. Nakaka giliw writing style mo. hahahah, Lalu na sa guadalupe tulay na makakasalubong na tao! hahah. Di rin ako agree sa mga kasali this year. Masyadong magaganda at gwapo kasali. Dapat may bakla tomboy tas tadtad ng pimples.

    On the other hand! anu ba yan! parang ayoko tuloy umuwi sa June14 sa Albay kasi libre ang food sa vikings pag bday. Pero dapat may kasama pang isa at yun magbabayad yun lols. Samahan mo nga ako. Masiba din ako eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. lire nga pag bday....hindi ba talaga pwede pumunta dun mag isa pag bday mo? kasi yan din naisip namin dati hahahahahha pag wala lakad samahan ka namin ni lloydie heheheh

      Delete
    2. ang batang may ari ng blog na ito...heheheh http://puttongueinamood.blogspot.com/

      Delete
  6. Grabe hahaha naaliw ako sa pagbabasa ng post mo! haha ang yummy sa Viking! Would love to try eating there! GRABE TAWANG TAWA AKO DUN SA KAPAG DINALA SA OPISINA!!! hahahahaa...

    di kasi ako nakakanuod ng channel 2 alang signal so ngayon ko lang nakita ung mga housemate! Totoo nga yung sinabi ng friend ko!!! lahat daw artistahin! Pero napanuod ko nun yung kila nene... super favorite ko ang PBB nun! Iba't iba kasi talaga sila e

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung sa opisina namin? totoo yun. kaya nga hindi ako makapagresign resign coz i feel blessed kapag nakikita ko sila...you kmow, they are the reason why we look good hahahahahha

      Delete
    2. ahahaha chineck ko talaga ung inireply mo sakin dito!! iba ka!! ahahahahaha!! Mabasa nga mga blogpostssss mo!

      Delete
  7. Bet ko tikman ung lahat ng nsa pbb este sa vikings

    ReplyDelete
  8. laughtrip sa pbb all in commentaries. LOL

    ReplyDelete
  9. Matanong ko lamang, kinain mo ba yung bulaklak sa tubig ng Vikings? Hahahaha ....

    Natutuwa naman ako sa blog mo ... Tagalog na Tagalog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat...yung bulaklak sa tubig hindi ko nakain pero natikman ko siya medyo refreshing ang lasa pero hindi ko rin sure baka psychological lang heheh

      Delete

makisawsaw na...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...